Hinatulan ng 12 taon na pagkakabilanggo ang dating Social Affairs Minister ng bansang Indonesia na si Juliari Batubara.
Iyan ay para sa pagtanggap nito ng bayad na aabot sa $1.2-M na maiuugnay sa food aid para sa mahihirap na pamilya na tinamaan ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa pagkakakulong, inatasan din ng Jakarta Court si Batubara na magbayad ng Rp500-M o katumbas ng $35k at $1-M in restitution bilang multa.
Ayon sa Jakarta Court, tumanggap si Batubara ng pera mula sa dalawang contractor na kinuha para mag-supply ng food packages sa mga mamamayan ng Indonesia na lubos na tinamaan ng epekto ng public health crisis. —sa panulat ni Rex Espiritu