Hawak na ng mababang kapulungan ng kamara ang proposed P5.024 trilyong 2022 national budget na isinumite ng Department of Budget and Management.
Ito na ang kahuli-hulihang panukalang pambansang pondo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga tumanggap ng national expenditure program sina House Speaker Lord Allan Velasco at Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez.
Sa naturang pondo, pinaka-malaki ang inilaan sa Department of Education, State Universities and Colleges at Commission on Higher Education na P773.6 bilyon.
Pumangalawa ang DPWH, 686.1 bilyon; DILG., P250.4 bilyon; DOH., P 242 bilyon; Philhealth, P222 bilyon at DND , P191.4 bilyon.
Ito na ang pinaka-malaking panukalang national budget sa kasaysayan ng bansa.—sa panulat ni Drew Nacino