Pinag-aaralan na ng Department of Education (DEpEd) kung kakanselahin ang mga klase sa Visayas at Mindanao dahil sa haze.
Sinabi ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali na nagpalabas na sila ng direktiba sa mga principal o school superintendent na magkansela ng klase sakaling lumala ang haze sa mga apektadong lugar.
Minomonitor aniya nila ang sitwasyon sa mga paaralang apektado ng haze kung kailangang limitahan ang outdoor activities tulad ng flag ceremony at physical education classes para maiwasang malagay sa panganib ang kalusugan ng mga estudyante.
DENR
Samantala, kakatawanin naman ni Environment Secretary Ramon Paje ang Pilipinas sa emergency meeting ng ASEAN leaders para solusyunan ang haze mula sa Indonesia.
Partikular na tututukan sa pulong ang trans boundary haze at iba pang environmental concerns.
Tiniyak ng ASEAN ang pagkilos kontra haze kasabay ang paggawa ng hakbang para masigurong maiiwasan ang forest at peatland fire.
Bukod sa epekto sa kalusugan ng tao, nakakadagdag din sa global warming ang problema sa haze.
By Judith Larino