Nakapagtala na ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Occidental Mindoro.
Ayon sa Provincial Health Office ng Occidental Mindoro, ito’y sa katauhan ng isang 27 taong gulang na babae na nakatira sa bayan ng Sablayan.
Nananatiling asymptomatic ang pasyente at kasalukuyang nakaquarantine na para masusing ma-monitor ang kalagayan nito.
Kasunod nito, inatasan na ni governor Eduardo Gadiano ang provincial health office na magsagawa ng malawakang contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha nito primary man o secondary.
Samantala, muling nanawagan si Gadiano sa mga nasasakupan nito na mahigpit na sundin ang umiiral na health protocols para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 at variants nito.