Nangangailangan ng 750 Pinoy nurses sa Germany sa ilalim ng triple win project ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.
Ayon sa POEA, ang triple win project ay government-to-government healthcare employment cooperation program sa pagitan ng Pilipinas at Germany.
Ilan sa mga requirement para sa mga gustong mag-apply ay kailangan Filipino citizen, permanent resident ng Pilipinas, may Bachelor Science in Nursing degree, may active Philippine Nursing License at may isang taong related experience sa mga ospital, rehabilitation centers o iba pang health care institutions.