Humihina ang efficacy rate ng Pfizer at Astrazeneca vaccine laban sa COVID-19 delta variant batay sa isang pag-aaral sa Oxford.
Gayunman sinabi ni Sarah Walker, professor ng medical statistics at epidemiology, makapagbibigay pa rin ng matibay na proteksyon ang full doses ng nasabing mga bakuna
Kaya giit ni Walker, napakahalaga ng second dose para mas mapalakas pa ang proteksyong ibinibigay ng bakuna laban sa delta variant.
Dagdag pa ni Walker, nakita rin sa pag-aaral na kahit ang isang indibidwal ay tinamaan na ng COVID-19 at nakarekober mas mabuti pa ring maging fully vaccinated ito.
Isinagawa ang pag-aaral at monitoring sa 400k indibidwal sa UK at isinasailalim sa COVID-19 test kada buwan, maging sila man ay may sintomas o wala, bakunado man o hindi.