Nagbabala ang World Health Organization o WHO na isang linggo na lang ang itatagal ng kanilang medical supply.
Iyan ay kasunod ng pagkubkob ng grupong taliban sa bansang Afghanistan.
Ayon sa WHO Eastern Mediterranean region, 70% ng nasabing supply ang kanilang naibigay sa mga health facilties.
Sinabi pa ng WHO na ang 500 metric tons ng mga gamot at supply na nakaimbak sa dubai ay hindi maibyahe dahil sa isinasagawang evacuation effort sa Kabul airport.
Nitong linggo sinabi naman ng WHO at UNICEF na agad na magtayo ng mga maaasahan na mga air bridge para makapagdala ng mga medical supply.—sa panulat ni Rex Espiritu