Inihayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na hindi na tumatanggap ng order ang Moderna at Astrazeneca para sa kanilang mga dating bakuna.
Sa Talk to the Nation ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi ni Galvez na tanging mga tinatanggap ng Moderna at Astrazeneca ay para sa second wave procurement.
Ibang produkto na aniya ang maaaring mabili sa mga nabanggit na kumpanya gaya na lamang ng booster shots o bagong produkto na kabilang sa second generation vaccine. —sa panulat ni Hya Ludivico