Dalawang ospital na miyembro ng PHAPI o Private Hospital Association of the Philippines Incorporated ang nagsara na dahil sa nabiting pagbabayad at polisiya ng Philhealth.
Ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng Phapi , isa sa mga nasabing ospital ay mula sa Samar at isa sa Davao.
Sinabi ni De Grano na mayroong iba pang member ng hospital nila ang nagpaplanong magsara na bagama’t umiisip pa ng ibang paraan ang mga ito para makapagpatuloy ng operasyon tulad ng pangungutang sa bangko at pagbabawas ng oras ng trabaho at maging ng staff.
Una nang nagkausap ang mga grupo ng mga ospital at ang Philhealth para tutukan ang memo ng ahensya hinggil sa suspensyon ng payment ng claims na hakbangin kontra healthcare providers na iniimbestigahan pa.
Inihayag ni De Grano na itutuloy ng mga ospital ang bantang pagputol sa tie up sa Philhealth kung hindi ito magbabayad ng claims matapos ang kanilang pag uusap.