Hindi palalawigin ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration.
Ito’y kahit na nasa ilalim pa rin ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Comelec director at spokesman James Jimenez, posibleng maapektuhan ang paghahanda ng ahensya sa darating na halalan kung palalawigin pa ang voters registration na nakatakdang magtapos sa katapusan ng Setyembre.
Sinabi pa ni Jimenez, para mapunan ang nawalang araw ay pinalawig nila ang oras na puwedeng magparehistro ang mga botante kung saan mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 hanggang alas-7 ng gabi.
Samantala, tuwing Sabado naman maaaring magparehistro mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.