Plano ng gobyerno na magpatulong sa Israel para sa gagawing eleksyon sa 2022 sa gitna ng pandemya.
Ito ay matapos ang naging matagumpay na dalawang eleksyon na isinagawa sa Israel.
Sinabi ni Deputy Chief of Mission of the Embassy of Israel in Manila Nir Balzam, nakahanda silang ibahagi sa gobyerno ang kanilang mga nalalaman para sa ligtas na campaign at election period.
Ngunit bago ang posibleng kolaborasyon, sinabi ni Balzam na may mga dapat isaalang-alang ang Pilipinas kabilang na ang vaccination status ng bansa at profile ng eligible voters.
Nakatakdang isagawa ang eleksyon sa Mayo 9, 2022.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico