Pinakikilos na ng liderato ng Philippine National Police o PNP ang mga tauhan nito sa buong bansa na maagang paghandaan ang nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ay para mapigilan ang anumang tangkang paghahasik ng gulo ng ilang mga grupo o indibiduwal para sirain ang integridad at kredibilidad ng papalapit na halalan.
Kasunod nito, inatasan na ng PNP Chief ang lahat ng mga unit at area commanders ng Pulisya para magsagawa ng accounting sa mga loose firearms gayundin sa mga private armed groups na inaasahang mabubuhay muli sa naturang okasyon.
Binigyang diin pa ni Eleazar na dapat mapigilan agad ang mga iligal na aktibidad ng mga CPP-NPA dahil tiyak aniyang sasamantalahin nila ang panahong ito na makapagpalakas ng puwersa dahil sa kinokolekta nilang pera.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol