Pinaghahandaan na kapwa ng AFP at US Armed Forces ang full blast balikaran exercises sa susunod na taon.
Ayon ito kay Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang pag uusap nila ni US Indo Pacific Command Chief Admiral John Aquilino na una nang bumisita sa bansa.
Sinabi ni Lorenzana na hindi natuloy ang mga nakalatag na pagsasanay nuong isang taon dahil sa COVID-19 pandemic, bagamat tuluy tuloy naman aniya ang maliliit na training sa pagitan ng AFP at US Armed Forces.
Kaya naman aniya iginigiit niyang panatilihin ang Visiting Forces Agreement (VFA) para mabigyan ng pagkakataon ang mga sundalong Pilipino na makagamit ng mga bagong kagamitan na nais bilhin ng bansa mula sa Amerika.