Isang Duterte lamang ang tatakbo sa 2022 national elections.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ang nais bigyang diin ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang kumpirmahin ang tuluyang pagsabak sa Vice Presidential Elections sa 2022.
Sinabi ni Roque na ang pagdeklara ng Pangulo na tatakbo siya sa eleksyon bilang Vice President ay salig sa paniniwala niyang hindi sasabak sa 2022 national elections ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang pagpapakita na rin ng delicadeza.
Gayunman, nilinaw ni Roque na wala pang pinal na impormasyon hinggil dito hanggang pagsapit ng buwan ng Oktubre kung kailan itinakda ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbo sa 2022 elections.