Umabot na sa higit apat na milyon ang nasawi sa buong mundong dahil sa COVID-19.
Nakapagtala na rin ng nasa 200 milyon kaso ng nasabing sakit sa iba’t ibang panig ng bansa.
Karamihan sa mga kaso ay gumaling na at ang iba naman ay patuloy na nakararanas ng mga sintomas makalipas ng isang linggo o isang buwan.
Base ang mga datos sa mga ulat na ibinigay ng health authorities sa bawat bansa.
Nanguna naman ang bansang America sa pinakamaraming kaso ng namamatay sa bilang na 2,322, sinundan ng Indonesia na may 1,041 at bansang Mexico na may 986. —sa panulat ni Rex Espiritu