Nalunod matapos mahulog habang naglalaro sa rumaragasang ilog sa Quezon City ang isang 5 taong gulang na bata.
Ayon sa ulat, naglalaro ang bata kasama ang 3 taong gulang nitong kaibigan sa bakanteng lote sa Barangay Bahay Toro nang aksidenteng mahulog ito sa katubigan.
Ayon naman sa lolo ng kalaro nito, malapit sa puwang ng pader ang mga bata at may sinusubukan itong abutin ng mahulog ang biktima.
Ayon naman sa ina ng kalaro ng bata, hindi nya masagip ang kanyang kaibigan dahil hindi nya kaya ang bigat nito.
Natagpuan naman ang katawan ng bata sa parte ng San Juan.—sa panulat ni Rex Espiritu