Inihinto ng bansang Japan ang paggamit ng 1.63 milyong doses ng Moderna COVID-19 vaccine.
Iyan ay matapos ang ulat na nagkaroon ng kontaminasyon ang ilang vials nito.
Ayon sa Tekeda na siyang nanguna sa sales at distribution ng Moderna shot sa Japan.
Nakatanggap sila ng mga ulat mula sa ilang vaccination sites na may kakaibang substance na nakita sa loob ng selyado pang lalagyan nito.
Sinabihan naman na nila ang Moderna sa nasabing insidente upang agarang makagawa ng imbestigasyon.—sa panulat ni Rex Espiritu