Bagaman may mild symptoms ng COVID-19 ay naka-isolate na at nagpapagaling si National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Executive Director USec. Ricardo Jalad.
Iyan ang kinumpirma ni NDDRMC Spokesman Mark Timbal makaraang mapabilang si Jalad sa 116 nilang kawani sa Office of the Civil Defense o OCD na napaulat na positibo sa COVID-19
Kinumpirma rin ni Timbal na fully vaccinated na si Jalad kontra COVID-19 subalit nagpositibo pa rin ito sa virus matapos mahawaan sa kanilang tanggapan.
Sa ngayon, sarado ang buong tanggapan ng NDRRMC at OCD sa Kampo Aguinaldo na isinasailalim sa disinfection at decontamination bagaman hindi naman lahat sa kanila ay nagpositibo.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)