Patuloy na hinihikayat ng Department of Education o DepEd ang mga magulang na i-enroll ang kanilang mga anak para sa papalapit na School Year 2021-2022.
Ito’y ayon sa DepEd makaraang i-anunsyo nila na umabot na sa maigit 10 milyon ang bilang ng kanilang enrollees para sa taong ito.
Batay sa datos ng DepEd ngayong araw, aabot na sa 4.5 milyong mag-aaral ang maagang nagpatala ngayong araw at inaasahan pa nilang tataas pa ito.
Nasa 5,376,847 naman ang mga nagpatala mula sa mga pampublikong paaralan habang 313,958 naman sa mga pribadong paaralan at 6,518 ang nagpatala naman sa mga State Universities at Colleges o SUC’s.
Agosto a-16 umarangkada ang enrolment period at nagpapatuloy ito hanggang sa pormal na pagbubukas ng klase sa Setyembre 13.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)