Inilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang Agusan Del Sur dahil sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19.
Sa Executive Order ni Agusan Del Sur Gov. Santiago Cane, epektibo ang MECQsa lalawigan simula ngayong araw hanggang Setyembre 11.
Sa ilalim ng MECQ, mahigpit na ipatutupad ang minimum health protocols at limitado rin ang galaw ng mga mamamayan.
Batay sa datos ng Provincial Health Office Agusan Del Sur nitong Agosto 26, umabot na sa 6,084 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.—sa panulat ni Hya Ludivico