Inaasahan na ng Philippine Hospital Association (PHA) na magiging malaking problema ang pangako ng PhilHealth na pagbabyaad ng claims sa pamamagitan ng Debit Credit Payment Mechanism (DCPM).
Sinabi ni Dr. Jaime Almora, Pangulo ng PHA na mag aaway sila ng kanilang mga duktor sa nasabing mekanismo ng PhilHealth.
Ayon kay Almora, nais nilang idaan sa proseso ang pagbabayad sa normal at mabilisang paraan dahil hindi lamang mga ospital kundi mga duktor din ang nagkaka problema.
Sa ilalim ng DCPM, uunahing bayaran ng PhilHealth ang 60% ng claims ng mga ospital at ibang healthcare facilities sa mga lugar na kinilala ng IATF bilang high risk o critical risk sa COVID-19.