Posibleng alisin na ng gobyerno ang mga malawakang lockdown.
Sa halip, ipinabatid ni DILG Secretary Eduardo Anio na maaaring magpatupad ang gobyerno ng granular lockdown para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni anio na ang granular lockdown ay kadalasang ipinatutupad sa isang partikular na kalye o barangay na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 at ito ay idedeklara mismo ng Local Government Unit.
Sa pamamagitan nito aniya ay hindi maaapektuhan ang buong probinsya o lungsod na kailangan din namang gumalaw.