Aarangkada na ang clinical trial ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa a-15 ng Setyembre.
Ito ay ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina Guevarra, na ito ay para i-assess ang efficacy, safety at epekto ng Ivermection para sa mga asymptomatic at non severe patients.
Naka-confine ang mga nasabing pasyente sa ilang quarantine facilities kasama ang mga pasilidad ng Ateneo quarantine facility, La Salle quarantine facility, University of the Philippines Diliman (UPD) at Makati Science High School quarantine facility.
Nabatid naman na tatagal ng 8 buwan ang naturang clinical trial ng Ivermectin.
Gayunpaman, patuloy na naghahanap ng volunteer at participants ang DOST sa pagsasagawa ng randomized controlled clinical trial sa extract ng halamang tawa-tawa bilang gamot sa mild at moderate cases ng virus.