Handa ang Department of Education (DepEd) na magsagawa ng face to face classes kapag pinayagan ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan ay dahil natapos na nila ang mga panuntunan para sa pilot face to face classes sa 100 eskuwelahan sa mga lugar na mayroong mababang kaso ng COVID-19.
Una nang ipinabatid ng DepEd na mayroong 600 paaralan ang kinukunsider para sa pagbabalik ng face to face classes matapos makapasa sa evaluation hinggil sa kahandaan sa nasabing sistema.