UMAKYAT na sa mahigit 1.7 milyon ang bilang ng mga Pilipinong gumaling sa COVID-19.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health o DOH ng lagpas 19,000 na bagong recoveries.
Batay sa pinakabagong case bulletin, binanggit ng ahensya na nagkaroon ng higit 19,000 na bagong impeksiyon.
Sa kasalukuyan, nasa 142,679 na ang total active cases. Samantala, dahil naman sa pagpanaw ng mahigit isang daang pasyente ay pumalo na sa 33,008 ang death toll sa buong kapuluan.