Pumanaw na nitong Agosto 27, si Retired Supreme Court Associated Justice Priscilla Baltazar-Padilla sa edad na 63.
Ito ang kinumpirma ng korte suprema bagamat hindi na nito sinabi ang dahilan.
Mababatid na si Padilla ang ika-188th associate justice ng kataas-taasang hukuman.
Nagtapos bilang Cum laude si Padilla sa Lyceum College of Law at 5th placer sa 1984 bar exams.
Bago maging Associate Justice si Padilla, noong 2006 ay nagsilbi itong Chairperson ng Eleventh division ng Court of Appeals (CA).