Tutok sa monitoring ang mga otoridad laban sa posibleng sympathy attack ng ISIS inspired group sa Mindanao dahil sa kaguluhan sa Afghanistan.
Tiniyak ito ni Lt. Col. John Paul Baldomar, Spokesman ng 6th Infantry Division dahil hindi nila hahayaang umabot sa bansa ang kaguluhang dulot nang pagpapasabog sa Kabul Airport.
Sa ngayon aniya ay tahimik pa naman ang BIFF o Dawlah Islamiah kasunod na rin nang pagsuko ng ilang miyembro nito, bagamat mahigpit silang naka-monitor sa sitwasyon sa Mindanao.