Ang pag-inom ng dalawang kutsarang apple cider vinegar bago matulog ay nakapagpapababa ng blood sugar
Samut-sari nga ang benepisyong pangkalusugan na mayroon ang apple cider.
Maliban sa pagpawi sa sinok, pampaputi ng ipin at pangtanggal ng balakubak o dandruff, alam nyo ba na nakapagpapababa rin ito ng ating blood sugar.
Ayon sa pag-aaral, kitang-kita ang kaibahan sa blood sugar ng mga taong umiinom ng dalawang kutsara ng apple cider bago matulog.
Sinasabing mas maayos din ang blood glucose readings ng mga taong sinasamahan ng apple cider vinegar ang kanilang mga pagkain.
Kaya naman, mainam ang pagkonsumo ng apple cider vinegar lalo na sa mga may diabetes.