Nanawagan sa publiko ang PRC o Philippine Red Cross na itapon nang maayos ang nagamit na facemask.
Ito’y para sa pakikiisa ng PRC sa pagpapatupad ng plastic campaign kaugnay sa pagtapon ng gamit na facemask sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.
Ayon kay PRC senator Gordon, nagdudulot ng peligro sa buhay ng hayop ang hindi wastong pagtatapon ng mga basura, lalo na itong mga nagtatapon sa karagatan.
Nagpaalala ang PRC sa publiko na gupitin ang mga ear straps ng facemask kung saan magbibigay ito ng kapahamakan at maari rin ikamatay ng mga hayop sa bansa.
Lumabas sa ilang pag-aaral na taon pa bago tuluyang mawala ang milyun-milyong face masks na hindi naitatapon nang maayos.