Inaasahan ng pamahalaan na magiging sapat ang suplay ng COVID-19 vaccine sa oras na dumating ang nasa 194.89 million doses sa katapusan ng taon.
Sinabi ni Department of Finance secretary Carlos Dominguez III, ang paparating na suplay at mga naunang dumating para mabakunahan ang mahigit 100 milyong Pilipino.
Posibleng dumating ang 42.11 million doses ng bakuna sa pagitan ng 26 ng Agosto at a 30 ng Setyembre habang sa katapusan naman ng taon ang 103.59 million doses.
Sa kabuuan, nasa 145.5 million doses ang inaasahan ng bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 48.89 million doses ng COVID vaccine ang nai-deliver simula noong simula ng buwan Marso.