Gumulong na ang pagbabakuna kontra COVID-19 ng PNP sa mga island provinces.
Ito ayon kay Lt General Joselito Vera Cruz, PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support for COVID-19 Task Force ay bahagi nang puspusang pagbabakuna sa iba’t ibang regional police offices sa buong bansa.
Ipinabatid ni Cruz na nakikipag-ugnayan na ang regional, medical at dental units ng kanilang health service sa mga tanggapan ng DOH para sa pagtuturok ng 200,000 doses ng Astrazeneca na ibinigay ng DOH sa PNP.
Batay sa record ng PNP health service, nasa halos 80,000 na o mahigit 43% ng kanilang mga tauhan sa police regional offices ang fully vaccinated.