Tumaas pa ang daily positivity rate sa gitna ng patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, umabot na sa 27.9% ang daily positivity rate noong Biyernes, Agosto 27 kumpara sa 27.55% noong Huwebes.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mataas na daily positivity rate na naitala ng DOH.
Nangangahulugan itong isa sa bawat sumasailalim sa test ang nagpopositibo sa COVID-19.
Kahapon ay nakapagtala ng 18,528 additional cases ng COVID-19 kaya’t sumampa na sa 1,954,000,23 ang kaso ng naturang sakit sa bansa. —sa panulat ni Drew Nacino