Pinag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) na gayahin ang voting process na ipinatutupad sa Persons Deprived of Liberty (PDLS) upang makaboto ang mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang polisiya para sa COVID-19 patients ay pinag-uusapan pa ng mga opisyal ng poll body.
Aniya, ginagawa nila ang lahat upang matiyak ang voting rights ng mga pasyenteng may COVID-19 sa darating na eleksyon.
Sinabi pa ni Jimenez na mayroong ilalagay na health screening stations sa iba’t ibang polling place. —sa panulat ni Hya Ludivico