Patuloy ang panawagan ng Department of Health (DOH) sa mga nurses sa bansa na huwag ituloy ang planong kilos protesta sa aprimero ng Setyembre.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito’y dahil lubos na maaapektuhan ang operasyon sa mga ospital gayundin ang pagbibigay ng atensyong medikal sa mga COVID-19 patients.
Giit pa nito na sana’y hindi matuloy ang pagkilos at sa halip ay unahin ang kapakanan ng mga pasyenteng naka-admit sa kanilang mga ospital.
Sa huli, sinabi ni Vergeire na ginagawa ng DOH ang lahat ng makakaya nito para maibigay ang mga nararapat na benepisyo ng mga healthcare workers sa bansa. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)