Naka-depende sa dumarating na suplay ng COVID-19 vaccine ang tuloy-tuloy na pagbabakuna sa mga preso.
Ito ang nilinaw ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP bilang tugon sa panawagan ng Commission on Human Rights (CHR) na i-prayoridad ang pagbabakuna sa mga bilanggo.
Ayon kay BJMP Spokesman, jail chief Insp. Xavier Solda, lahat ng pasilidad ay nakaasa sa Department of Health at suporta ng mga Local Government Unit.
Batay aniya sa kanilang datos, aabot na sa 6,771 ang COVID-19 cases sa mga bilangguan hanggang kahapon.
Nasa 4,235 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang dinapuan ng COVID-19 habang 4,026 na ang nakarekober, 41 na ang namatay at mayroong 99 active cases. —sa panulat ni Drew Nacino