Hinikayat ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang publiko na mag-apply lamang ng “yellow card” kung bibiyahe sa ibang bansa.
Ito’y ayon kay BOQ Director, Dr. Roberto Salvador Junior, ay upang matiyak na ang bawat indibidwal ay magkaroon ng ‘immediate schedule’ at slot para makuha ang dokumento.
Hangga’t maaari aniya ay mga mismong mangingibang-bansa lamang ang dapat kumuha ng yellow card habang hindi pinapayuhan ang pagkuha ng nasabing dokumento kung hindi naman gagamitin sa labas ng bansa.
Ang International Certificate of Vaccination and Prophylaxis o yellow card ay vaccination card na nagsasaad ng detalye sa sakit ng ID holder.—sa panulat ni Drew Nacino