Iginiit ni OCTA research fellow Dr. Ranjit Rye na kailangang ipatupad ang conservative approach sa pagluluwag ng quarantine restrictions sa Cebu City.
Ito’y dahil sa nakkikitang pagbagal ng COVID-19 transmission sa lalawigan.
Ngunit hindi aniya ito nangangahulugan na dapat nang magpakampante ang mga mamamayan doon at sa halip ay dapat ipagpatuloy ang mga hakbang upang tuluyang mapigilan ang hawaan.
Sa ngayon ay nasa ilalim ng mas mahigpit na modified enhanced community quarantine ang Cebu City hanggang Setyembre 7.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico