Posibleng manatiling mataas ang bilang mga okupadong COVID-19 bed sa mga ospital sa Metro Manila sa Setyembre.
Ayon kay Professor Guido David ng OCTA Research, kahit bumaba ang bilang ng kaso ng COVID-19, mananatiling mataas ang tinatawag na surge capacity na aabot sa 2,500 hanggang 3,000 cases.
Nangangahulugan anya itong hindi agad luluwag ang bilang ng occupied beds at ICU sa National Capital Region.
Sa pagtaya ng OCTA, nasa 73% ang ICU utilization rate ng NCR habang 67% ang hospital bed occupancy rate na katulad sa naitala noong Marso at Abril. —sa panulat ni Drew Nacino