Pursigido ang opposition coalition na 1Sambayan na maging pinaka-malawak na kowalisyon ng oposisyon sa bansa.
Ayon kay 1Sambayan Convenor at Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, mayroon na silang 40 chapters sa bansa bukod sa 20 pang chapters sa ibayong dagat na binubuo ng mga OFW.
Nakikipag-usap na rin anya sila sa mga political party upang maging pinaka-malaking political coalition simula pa noong magwakas ang Martial Law sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Aminado si Carpio na hindi madaling ang pagpapanatili ng isang kowalisyon lalo’t magkakaiba ang ideyolohiya ng bawat isa.
Gayunman, naniniwala sila sa demokrasya at patas na halalan maging ang constitutional rights ng mga mamamayan. —sa panulat ni Drew Nacino