Hinamon ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang mga kritiko ng Administrasyon na pumunta sa mga liblib na Barangay na benepisyaryo ng Barangay Development Program o BDP sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o ELCAC.
Ito’y matapos pabulalanan ng Task Force ang bintang ng Makabayan Bloc sa Kamara na ginagamit lamang umano nila ang pondo ng BDP upang maging pampabango ng administrasyon sa nalalapit na halalan.
Ayon kay DILG Office of Projects and Development Services – Project Monitoring Office Asst/Dir. Rene Valera, aabot sa 814 mula sa kabuuang 822 na Barangay na benepiysaryo ng BDP ang nakatanggap na ng mahigit 16 na bilyong pisong pondo para sa mga nakalatag na proyekto.
Sa panig naman ni Task Force Action Officer on BDP Dir. Monico Batle, bukas ang kanilang mga datos para suriin ang mga itinatayong proyekto sa mga Barangay na malaya na sa presensya ng mga Komunista.
Mahirap din aniyang gamitin sa eleksyon ang pondo dahil mahigpit ang mga sistemang ikinabit dito ng Pamahalaan salig sa itinatadhana ng Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)