Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP ang agarang pag-aksyon hinggil sa naging rekumendasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS).
Ito’y may kaugnayan sa pagsibak sa serbisyo laban sa limang pulis na sangkot sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino at iba pa noong Marso.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, daraan pa sa masusing pag-aaral ang mga isinumiteng dokumento sa kaniyang tanggapan bago ito aprubahan.
Una nang lumabas sa imbetigasyn ng IAS na ambush at hindi shootout ang nangyaring pagpatay kay Aquino na anila’y matagal nang pinagplanuhan.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)