Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, may namataang steam o usok sa bunganga ng bulkan na may dalawang libong metro ang taas at patungo sa direksyong Kanluran, Timog – Kanluran.
Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng 52 mga pagyanig kung saan, 23 rito ay may haba ng isa hanggang limang minuto.
Nakapagtala rin ang ahensya ng mahigit 3k toneladang sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan mula pa noong Agosto 25.
Dahil dito, mahigpit pa rin ang paalala ng PHIVOLCS sa mga residenteng malapit sa bulkan na gawin ang ibayong pag-iingat dahil nananatili pa rin ang banta ng pagputok nito anumang oras.