Pinag-iingat ng embahada ng bansa sa Doha, Qatar ang mga Pilipino doon laban sa isang investment scam.
Kasunod na rin ito ng reklamong natanggap ng embahada mula sa mga nabiktima ng nasabing scam na tinatawag na – invest your money and earn double gayundin ang fastline.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing scam ay nagsimula nito lamang Marso at ino-operate na parang isang paluwagan kung saan ang interest ay posibleng tumaas ng hanggang 600 percent.
Sinabi ng DFA na hindi na nakagilap ng mga Pilipinong nag-invest ang mga lider nito na posible umanong tumakas na palabas ng Qatar.
By Judith Larino | Allan Francisco