Walang dahilan para itigil sa Pilipinas ang paggamit ng Moderna COVID-19 vaccine.
Ito ang paglilinaw ni Food and Drug Administration (FDA) Director Eric Domingo, matapos na makitaan ng foreign substance ang Moderna COVID-19 vaccine na ginagamit sa Japan.
Giit ni Domingo, ang suplay ng bakunang ginagamit ng Japan ay ekslusibo lamang para sa kanila.
Ibig sabihin, magkaibang batch ng bakuna ang nasa Pilipinas.
Kung kaya’t, magpapatuloy ani Domingo ang paggamit ng Moderna vaccines sa bansa at walang anumang dahilan para itigil ito.