Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa mga imbestigasyon ng Kongreso dahil sa umano’y pambabastos ng mga senador.
Ito ang banta ni Pangulong Duterte sa gitna ng imbestigasyon ng senado sa P67-B deficient spending ng DOH sa COVID-19 response funds.
Hindi anya malayong magkaroon ng constitutional crisis sa oras na magpumilitang mga senador na padaluhin ang mga cabinet member o ipa-contempt ang mga ito kung hindi naman dadalo.
Ayon sa Punong Ehekutibo, nagpalabas na rin siya ng kahalintulad na direktiba sa mga military official. —sa panulat ni Drew Nacino