Sumirit pa sa P11.61-T ang domestic at foreign borrowings ng bansa kasabay ng paghina ng piso kontra dolyar.
Kumpara ito sa P11.17-T noong Hunyo o 26.7% na mataas sa 9.16-T noong isang taon.
Sa datos ng Bureau of Treasury, pinaka-malaki o 69.9% o P8.1-T ay mula sa domestic debts habang nasa P3.49-T o 27% ang external debts.
Pangunahing dahilan ng paglobo ng utang ng Pilipinas ang nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Dahil dito, inaasahang madaragdagan pa ang utang ng bansa bago matapos ang taong 2021. —sa panulat ni Drew Nacino