Tinutulungan na ng DOH ang mga ospital na dinadagsa ng mga pasyenteng may COVID-19.
Tiniyak ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos magtayo ang DOH ng modular hospitals at tents para mapalaki ang kapasidad ng health facilities na mayruoong COVID-19 cases.
Ipinabatid pa ni Vergeire na hiniling nila sa Local Government Units na i-mobilize ang Level 1 hospitals para sa COVID-19 response dahil karamihan sa mga pasilidad nito ay hindi naman nagagamit.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa One Hospital Command Center para mabigyan ng assistance ang publiko sa paghahanap ng mga pasilidad na bukas pa sa COVID-19 patients.