Kakailanganin pa ng batas para maibigay ang SRA o Special Risk Allowance ng healthcare workers na mayroong “indirect exposure” sa COVID-19 patients.
Inihayag ito ni health secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng 2022 budget ng DOH sa kamara.
Binigyang-diin ni Duque na nakasaad sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ang mga benepisyo para sa healthcare workers na direktang nakakasalamuha o gumagamo sa mga COVID-19 patients.
Hindi naman aniya uubrang ipaubaya na lamang sa pinuno ng ahensya ang interpretasyon sa nasabing batas na sa pamamagitan lamang din ng batas maaaring amyendahan at kung hindi ay hahabulin tiyak ng COA ang mga pinuno ng ospital o iba pang pinayagan ito.