Patuloy na nakaapekto ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa buong bansa.
Dahil diyan ay asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan at thunderstorm sa Visayas, Mindanao, Mimaropa at Bicol Region.
Asahan naman ang bahayang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated rain showers at thunderstorms sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
Posible namang magdulot ng baha at landslide sa mga nabanggit na lugar ang mga nasabing weather system.—sa panulat ni Rex Espiritu