Itinigil ng Manila Health Department ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa lahat ng kanilang vaccination sites.
Iyan ay dahil sa naranasang technical problem sa online vaccination nitong Miyerkules.
Ayon kay Doctor Arnold Pangan, hepe ng Manila Health Department, kasalukuyan nang inaalam kung bakit nagkaproblema ang kanilang vaccination system.
Wala pa naman anunsyo kung kailan babalik ang pagbabakuna sa lungsod.—sa panulat ni Rex Espiritu